GUSTO KONG MAGING MOVIE PRODUCER!
By Mykeps
Bukod sa pagiging doctor, pangarap ko ding maging tulad ni Mother Liliy. Isang ganap na film producer na marami ng pelikulang (at actors turned politicians) na nagawa.
Para sa aking first venture as a full-pledged producer of Pinoy films, dapat commercial ang una kong movie. Isang formulaic na pelikula na huling-huli ang panlasa ng masa. Ang bentang-benta ngayon: Romantic Flicks na kinatatampukan ng mga pinakasikat pero talentless na love teams. Kahit walang halaga bilang gawang sining, kikita naman ito. Mapapaikot ko ang aking puhunan para makagawa pa ng ibang pelikula.
Ang Formula
Dapat title pa lang alam na ng mga manonood na ito ay Romantic Flick. Isang lumang senti na kanta bilang title ng pelikula ay sapat na. (Halimbawa: “’Till my heartaches end”, “Love me Again”, “Very Special Love”, “You changed my life”). Tipid ka pa sa musical score! Ipa-revive lang ito sa sikat pero sintunadong singer (na usually ay yung leading man, ehem, Piolo, ehem) Pero wag i-overuse! Sapat na ang isang line ng song. Wag tularan ang “May nagmamahal sa ‘yo (Nandito ako)” nila Aljur. May hangganan din ang pagkagrepa.
Tapos, dahil typical boy-meets-girl, girl-meets-boy and pa-cute and landian to the max ang typical na plot ng mga romantic flicks na ito, hindi ito kikita kung wala itong bagong maipapakita. Ang bagong excitement ay hindi ang mga artista (kasi nga dapat established love team na dib a?)o ng istorya (formula na kasi ito) kung hindi ang background ng pelikula.
Para maiba naman, i-shoot sa ibang bansa. Sa Australia, Italy, UK, Dubai, Luthainia, Madagascar o Congo. Pwede din sa mga tourist destinations dito sa bansa (mas mura pa para sa budding producer tulad ko) tulad ng Ilocos, Boracay, Bohol, Camiguin, Bukidnon, Agusan del Sur, Basilan.
Ang pelikula ko ay ise-set ko sa Cebu (to lower production cost) na pagbibidahan ni Gerald Anderson at Kim Chiu. Pero dahil experimental ako, hindi ako gagamit ng kanta bilang title. Ang title ng pelikula: “KADYOT LANG, NAGLIBOG AKO”
Ang plot
Mahirap si Kim Chiu na napadpad sa Cebu para hanapin ang kanyang nawawalang Inang Cebuana (duh!). Tapos makikilala niya si Gerald Anderson na isang kargador sa isang pier. Kahit pa-tweetums ang pelikulang ito, ang pagiging kargador ni Gerald ang excuse para maging topless siya for ¾ of the film. So masasabing “na-penetrate” na namin ang gay market moviegoers.Tapos magtatarayan sila sa umpisa, pero nang lumaon ay nagkatuluyan din. Biglang makikilala ni Kim Chiu yung nanay niya pero ayaw nito okay Gerald Anderson. Tapos ang climax, magtatanan sila. Pero hindi dapat magtapos ang pelikula ng hindi sinasabi ni Gerald at Kim ang title
Kim Chiu: Magtatanan ba tayo? Kadyot lang… Naglibog ako
Gerald: Ako din naglibog, pero magtanan pa rin tayo.
(Magyayakapan ang dalawa, fade to black, play theme song)
Publicity
Ngayong may finished product na, yung pelikula, I mean. Dapat lang itong i-promote. Kung sa tingin niyo ay makukuha ang mga potential viewers sa istorya… Tama kayo.! Kasi nga naman ang trailers ng romantic flicks sa Pilipinas ay hindi naman talaga teasers, summary na ito ng buong plot. Makikita ng mga manonood sa trailer yung BUOD ng film (KIM CHIU-NANAY-TOPLESS GERARD-QUOTEABLE QUOTES), pero kahit pa, manonood pa rin sila dahil sa mga artista. Kaya foolproof ang ganitong genre ng pelikula.
Pero sa dami ng mga nagsulputang budding producers tulad ko, at siyempre ang mga commercial film empires like star cinema, gma films, viva, regal and Seiko, dapat hindi ako kampante sa promotion. May ilang unconventional strategies para magpromote ng films
Unconventional Strategies para magpromote ng film
- Pag-guestin ang mga artista (namely Kim Chiu and Gerard Anderson) sa halos LAHAT ng shows ng partner networks. Mas ok kung sa tanghali kasi ganitong oras madalas nanonood ang mga housewife at katulong na naghahanap ng excitement. Pagsayawin o pakantahin (ok lang kahit lip synch o canned yung boses)
- Pag-awayin ang mga casts (kuno). Ipagkalat sa showbiz news (na minsan mas prominente pa kaysa ACTUAL news) na nag-away si Kim Chiu at Bea Alonzo halimbawa. Pero dapat ung setting ng away ay sa SET ng pelikula. Para habang pinag-aaway sila, tumatatak sa mind ng mga manonood ang pelikula. Bad Publicity is still publicity
- Kung masyadong pa-tweetums and bida, mang-away na lang ng isang warfreak na celebrity. Tulad ni Anabil na nanay ni Retsard at Ropa. I’m sure na kahit burat na burat na siya sa akin bilang producer eh imemention pa rin niya ang pelikula ko.
Ayan ang plano ko kung sakaling sipagin akong i-pursue ang dream ko bilang isang ganap na producer. I’m sure kikita ang “KADYOT LANG, NAGLIBOG AKO “starring Kim Chiu and Gerard Anderson, magkakapera ako para gawin ang ibang films na naisip ko.
OTHER PROJECTS
- HOTDOG and CHEESE: Isang full-length animation tungkol sa isang daschund at kaibigan nitong daga na naghahanap ng kalinga (pero sa huli ay hinump ni Hotdog si Cheese).
- HALIMAW SA TANSAN: Halloween offering ng aking budding film company. Tungkol ito sa halimaw sa tansan. Comeback film ni Pepsi Paloma, Sarsi Emmanuel at Coca Nicolas.
- BJ is for BUKO JUICE: Gay Indie film na ipoproduce ko na maraming walang katuturang butt exposure at samu’t saring sexual acts. Pag gay indie film, dapat laging sad ending. Naghiwalay ang 2 magjowa, sinaksak yung isa or nagpakamatay.
No comments:
Post a Comment