Wednesday, December 22, 2010

Nagalit ang On-Duty sa Haba ng Gabi (Isang Maikling Kuwento ng Pantasya) Part 1

NAGALIT ANG ON-DUTY SA HABA NG GABI (Part 1)
(Isang maikling kuwento ng pantasya)
By Mykeps

Disclaimer: This short story is a work of fiction. Any resemblance to actual events, people, places, animals, names, things and score (PANTS) are purely coincidental. Furthermore, Medicine is an ever-changing science. Neither the author nor publisher, especially the author, has been paid for stripping.

6:01 PM (Night duty na naman ako sa Emergency Room)

“Sir, may bago pong admission”


“Pu+@ng %nA!”

‘Yan na lang ang nasabi ng kasama kong residente na si Dr M. Ang dami na kasing pasyente. Biyernes kasi kaya maraming nag-iinuman tapos nagsasaksakan. Araw din ng suweldo kaya marami din ang nagsha-shopping AT nagsasaksakan. Busy ang lahat; residents, interns, clerks, nurse, nurse aids, manongs, manangs, med reps. Lahat may ginagawa! Walang bakante! Pati beds! Ang daming nakasalampak sa sahig. Kaso wala namang magagawa. Tanggihan na ang grasya wag lang ang parating na pasyente.

Pwede bang ikaw muna ang tumingin ‘dun sa pasyente?”, pakiusap sa akin ni Dr M.

Isa akong clerk. Kasama sa trabaho ko ang pag-interview at pag-examine ng pasyente. “Ok sir!” ang sabi ko.
Pinuntahan ko ang kinaroroonan ng pasyente, malapit sa bungad ng ER. Sinalubong ako ng isang mamang maitim, mahaba ang kuko, nanlilisik na medyo namumula ang mata at parang hindi pa nakakakita ng suklay ang kanyang buhok. Siya ay nakasalamin at nakapantalon, na inabala pa niyang tupiin hanggang sa tuhod. Naninilaw ang kanyang kuko sa paa na may mga itim sa ilalim na parang ang sarap kutkutin ng nipper.

“Doc, tulungan niyo po kami” sabi niya

Tinanong ko ang pangalan at edad ng pasyente. Tapos ang susunod kong tanong, “Taga-saan po?”

“Sa Cavite po kami umuuwi pero taga-Capiz talaga kami” sagot niya.

“Capiz?”

“Opo, capiz po!”

Kinabahan ako.

Tiningnan ko ang katabi niyang babaeng nakakumot nakahiga sa stretcher. ‘Yung pagkakalarawan ko sa kasama niya, i-exaggerate mo lang ng 1000 x. As in grabe ang dungis! Ang haba at ang talas ng kuko, nanlilisik ang mga mata na sobrang pula, feeling ko nga iilaw yun pag tinapat mo sa dilim. Nakabusal siya ng parang bandage, punong puno ito ng dugo.

“Ano pong nangyari?” tanong ko.

“Bale, humanap lang po itong asawa ko ng makakakain sa bubungan ng kapitbahay namin. Tapos po, nagalit po yung asawa, pinutol po yung dila niya. Tapos nahulog po siya sa bubong,una po ulo sa pagbagsak”

“Eh ang paa?” tanong ko

“Ay ok na ok po yung paa, kasama ko po nung mga panahon na yun”

Sabi na nga ba. Manananggal ang pasyente ko. Simula ng ipinatupad ‘yang ADMIT-ALL Policy na ‘yan eh kung sinu-sino na ang pumupunta sa amin sa ER. Pagkatapos kong lagyan ng suwero ang pasyente ay tumakbo kaagad ako sa kinaroroonan ni Dr M. Meron siyang tinatahing malaking sugat ng isang taong-grasa na nadulas sa Taft Ave at tumama ang ulo sa bangketa. Madulas nga naman ang grasa, lalo kung taong-grasa.

“Sir! Meron po tayong manananggal sa labas. “Tongue dismemberment po with possible head injury”.

“’T@Ng I*@ naman o! Ipa-xray mo tapos ipa-CT mo ‘yun ulo” utos ni sir

“Ok sir” ang sagot ko.

Ang guwapo talaga ni Dr M. Kahit lagi ako inuutusan, hindi masama ang loob ko. Ang dami ngang nagcacrush sa kanya. Eh ano kung mahilig siya magmura? Ang sexy kaya ng dirty talker. Nagnakaw ako ng sulyap habang tinatahi niya ‘yung taong-grasa. Kumakanta siya ng “ale ale alejandro, ale ale alejandro”. Fan din pala siya ni Lady Gaga. Coolness

Binalikan ko ang pasyente. Tanggal na ang kumot na nakabalot sa pasyente. Hati pa pala ang katawan nito.

“Sir, kelangan po siyang dalhin sa x-ray at CT scan, tulungan niyo po akong dalhin siya sa x-ray room.
Parte din ng trabaho ko ang pagtutulak ng stretcher. Bahagi ito ng training para maging magaling na doctor.
Habang naglalakad, may babaeng tumigil sa harap ko

“Sir… eto po bang hagdan paakyat ang papuntang 2nd floor?” tanong niya habang nakaturo sa hagdan sa tabi namin.
Tiningnan ko siya ng matagal, baka nagpapatawa lang siya.

“Sir? Eto nga po ba ang hagdan paakyat ng 2nd floor?” pangungulit niya

“Nasa 1st floor po tayo. Ang hagdan na yan ay paakyat po ng basement, magelevator na lang po kayo para makarating sa 2nd floor”

Ganyan talaga ‘pag duty. Pwedeng mam-bitch.

Kung tutuusin, ok pa rin naman ang duty night na ito. Kaysa noong nakaraang linggo na nagdala ako ng pasyente sa X-ray room na tikbalang. Ay jusko! Tatlong oras kong hinanap ang x-ray room. Kinailangan ko pang baligtarin ang suot kong damit para hindi maligaw. Atsaka ‘yung kasong frat war ng mga duwendeng itim laban sa mga puti. Nahirapan akong makahanap ng tamang size ng karayom para sa blood extraction. Tinarayan pa ko ng nurse aide na in-charge sa supplies “Eh kasi naman sir! Magreseta kasi kayo ng karayom na pwede sa duwende!”. Eh malay ko bang may darating na mga duwende sa ER?

Tapos na-stress kami ni sir dun sa isang patient na bruskong bouncer ng isang bar malapit sa ospital na biglang lumiit ang boses. Akala namin may problema siya sa lalamunan ‘yun pala nasaniban lang ng Sto Nino. Siyempre ako ang gumawa ng referral sa Espiritista of Choice

“8,9,10 dahang dahang bawi!”
“Manganak ka na please! Para makauwi na ako”
“Sige Ire! Ginusto mo yan di ba?”
“17 anyos ka tapos pangalawang anak mo na to? Naiinsulto ang matris ko!”
“Mommy wala kang point! Hala bukaka!”

Sa mga narinig kong ito ay alam kong dumadaan kami ng Obstetrics Admission Section o paanakan, nakita ko ang longing sa mata ng patient ko kahit nanlilisik ang mata nito. Sinubukan kong kausapin ang patient ko. “Ma’am, nothing per orem po kayo, ibig sabihin non, di po kayo pwede kumain baka kasi kailangan kayong operahan eh dapat walang laman ang tiyan”

“Kahit sabaw lang?” sagot niya

“Opo, kahit sabaw lang”

“Eh tinatapon niyo lang yung sabaw, sayang eh. ‘ Yun pa naman ang masarap”

“Bakit ba gustong gusto niyo ang fetus, ano bang lasa?”

“Parang Pateros Balut lang”

Pinaalala ko sa sarili ko na hindi na ako kakain ng balut.

Pagdating namin sa x-ray room, nakita namin ang haba ng pila. Parang pila sa wowowee. So minabuti kong unahin ang CT scan. Kaso haba din ng pila kaya bumalik ako sa x-ray room. Pinakiusapan ko ang radiologist na paunahin kami kasi emergency, pero sabi niya “We are a public hospital, our resources are limited so we have to prioritize patients”. So pumila kami dahil hindi naman pinaprioritize ang mga manananggal.

“Excuse me! Nauna ako” sabi ng isang disembodied voice.

“Ay sorry po! ‘Di ko kayo nakita” sabi ko.

“Siyempre di mo ko makikita! Multo na kaya ako!” patuloy ng disembodied voice

“Ano pong nangyari sa inyo?”

“Inatake kasi ako sa puso, kaya sinugod ako sa ospital, eh kaso sa tagal ko sa paghihintay sa x-ray, inatake ako uli sa puso. Kaya eto na-deads na’t lahat nakapili pa rin sa x-ray”

“Ano naman ang gamit ng x-ray sa inyo eh patay na kayo?” tanong ko

Unfinished business” sagot ng disembodied voice “kailangan kong tapusin to cross-over

Hindi ko na siya kinausap pa. Tumindig kasi ang balahibo ko ng sinabi niyang cross-over. What if ang impiyerno pala ay walang katapusang duty on a Friday and suweldo day?

Ayaw kong maging mananggal slash multo ang patient ko. Kaya nakaisip ako ng paraan para max-ray siya.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment