NAGALIT ANG ON-DUTY SA HABA NG GABI (Part 2 )
(Isang maikling kuwento ng pantasya)
By Mykeps
Disclaimer: This short story is a work of fiction. Any resemblance to actual events, people, places, animals, names, things and score (PANTS) are purely coincidental. Furthermore, Medicine is an ever-changing science. Neither the author nor publisher, especially the author, has been paid for stripping.
12:00 mn (Sa Labas ng X-ray Room)
Nag-ring ang cellphone ko.
“Don’t call my name, don’t call my name, Alejandro
Alejandro, Alejandro
HADJI Alejandro, HADJI alejandro”
“Hello Dr M”
“Anim na oras ka nang nawawala. Nasaan ka?”
“Sir, nasa x-ray pa rin po ako, kami na po ang susunod”
“P^+@nG Ina! Ipapadala pa yan sa CT scan ah!”
“Ay opo. Huwag po kayo mag-alala Dr. M, pinapila ko ‘yung kalahati ng katawan ng pasyente sa CT scan, so pagkatapos po ng x-ray, masi-CT scan siya kaagad”
“’T@*G Ina! Galing ng naisip mo ah. Pero umalis ka muna diyan, may ipapagawa ako: Kunin mo naman sa blood bank yung dugo ng t*rantadong pasyente nating ang galing sumemplang sa motor ng walang helmet. Ang dami nang blood loss. Toxic na! F*ck!
“Ok sir, pero sino po ang magbabantay sa pasyente kong manananggal habang nasa blood bank ako?”
Biglang naputol ‘yung linya.
“Sir? Hello?!”
Buti na lang at kami na ang susunod sa x-ray. Siguro mas bibilis pa kung hindi kami kasunod ng disembodied voice na dating pasyente na ngayon ay nagmumulto na sa x-ray room. Nakatatlong kuha ang technician sa kanya. Puro PUTI lang daw kasi ang nakikita sa plate na hugis babaeng nakabelo. White Lady pala ‘yung nasa unahan namin. Akala ko kasi lalake, ka-boses kasi ni Inday Badiday ‘yung disembodied voice.
“Hello! Kumuth-ta?”
Lumingon ako para tingnan kung sino ang bumati, pero medyo alam ko na kung sino. Ang kaklase at kasama ko sa duty na si Mr Ngo. Chinoy siya: Half Chinese, half unggoy (‘Yan ang sabi niya ah!). Ako naman: Half Filipino, half Filipina
“Hi Mr Ngo, bakit ka nandito?” tanong ko
“Pinalada ako ni tir, tige punta ka na ta blood bank para matalinan ng dugo ‘yung naaktidente ta motor” sagot niya
“Sige Mr Ngo, sandali lang ako”
“Huhuhu! May ikukuwento ako ta ‘yo” hagulgol ni Mr Ngo
“Ano ‘yon?”
“Kanina may namatay na patyente, ako ang tinititi nila” sumbong ni Mr Ngo
“Bakit naman?”
“Kati hindi ko daw binantayan. Nata laboratory kati ako para mag-follow up ng retults. Tapot biglang tumigil ang tibok ng puto ng patyente”
“Hayaan mo na ‘yun Mr Ngo. Basta ipasok mo na lang sa isang tainga tapos ilabas sa kabila” payo ko kay Mr Ngo
“Ang alin ang ipapasok ta tenga at ilalabat ta kabila? Ang titi?” paglilinaw ni Mr Ngo
“Oo, ang sisi”
“Tige, ipapasok pero ilalabas ko din ang titi. Pero matama ang maniti” nakangiting sabi ni Mr Ngo. Buti naman at nahimasmasan siya.
“Oo tama yan. Masama ang manisi. Kaya wag mo na masyado isipin ‘yon Mr Ngo”
“Tige, akyat ka na. Kita na lang tayo ta ER” sabi ni Mr Ngo
“Thank you Mr Ngo ah”
Dali-dali akong pumunta sa blood bank. Habang naglalakad ay kitang-kita ko sa Internal Medicine ward ang napakakapal na usok. Sigurado akong pinapausukan na naman nila ang mga kapre na may hika. Sinabihan na nga ang mga kapreng ito na magdahan-dahan, kung hindi kayang makapagpigil, sa paghitit ng tabako. Pero tuloy pa rin sila sa paghitit-buga, ‘yung iba nga na-hook pa sa doobie. Kaya ang daming naka-confine ngayon na mga kapre para sa iba-ibang kaso; hika, emphysema, lung cancer, hypertension, TB at kung anu-ano pa. Ang dami talagang pasyenteng pasaway, lalo na sa mga government hospital. Hindi na nga nila sumusunod sa medical advice, sila pa ang magagalit at demanding.
Tulad halimbawa nung nag-rotate ako sa Pedia. Nagwala ‘yung tatay sa ward at pinagmumura kaming lahat dahil bakit daw hindi naming sinabihang tiyanak ‘yung bagong panganak niyang panganay. Nakagat tuloy ang nipples ng asawa niya ng nagpasuso ito. Siyempre natanggal ang nipples, tiyanak ‘yun eh. Pero kung nagpa-prenatal care lang sana sila sa kanilang health center na halos libre naman ang serbisyo, nalaman sana namin kaagad na tiyanak ang kalalabasan ng anak niya at hindi na sana umabot sa ganon.
Napakapangkarinawang kaso din ang mga pasyenteng hindi bumabalik para mag-follow up kaya nakikita na lang namin na nasa advanced stage na sila ng mga sakit nila. Sa kaso ng mga tinubuan ng maliit na bukol sa umpisa, makikita na lamang silang nag-transform bilang bukol na tinubuan ng tao. May mga pasyenteng maaawa ka talaga, kasi nanggaling pa sa malalayong probinsiya at inipon pa ang pamasahe kaya natagalan magpakonsulta. Pero magtataka ka sa iba na tatlong tumbling lang ang layo sa ospital namin ay hindi pa rin nagpakonsulta. Ito ang mga pasyenteng ang sarap ipakagat ang nipples sa tiyanak. Oh well… sabi nga ni Mr Ngo, “Matama ang maniti” so hindi ko na sila sisihin, gagawin ko na lang ang makakaya ko.
Sa aking pag-iisip sa paglalakad, hindi ko na namalayan na nasa Blood Bank na pala ako. Kung mahaba ang pila kanina sa X-ray at CT Scan room, SURPRISE! Mahaba din sa blood bank. Mukhang nagtatalo ang tagabigay ng dugo sa counter at isang babae .
“Ma’am, pang-transfusion po ang mga dugo namin dito, hindi po pam-feeding”
“Grabe naman kayo oh. Hindi na kayo naawa. Kitang-kita niyo nang NAMUMUTLA na siya”
“Eh Ma’am MAPUTLA naman po talaga ang mga bampira”
12:30
Sa wakas nakuha ko na rin ‘yung dugo na pinapakuha sa akin ni Dr M. May 6 na oras pa bago matapos ang duty ko. Pero parang ineencourage ako ng dugo. Nakalagay sa pakete: “B positive”. Basta kailangan kong maging positibo sa mga mangyayari. GV GV lang. Good Vibes Good Vibes lang.
Agad akong bumalik sa ER. Marami pa ring tao. Hinanap ko si Dr M.
“Dr M!” ang sigaw ko
“T@n* Ina! Ako ‘yun ah!” sabi niya
“Opo sir, kayo nga po ang hinahanap ko, eto na po ung dugo” inabot ko sa kanya ang dugo.
“May sh*t na problema pala tayo” sabi ni sir, na nakakunot ang noo
“Ano po ‘yun sir?” tanong ko
“Nawawala daw ‘yung kalahati ng pasyente nating manananggal” sagot ni Dr M
“Alin pong kalahati?”
“’Yung pambaba”
“Baka naman po nagCR lang”
“Pakihanap naman oh. Burat na burat na ko sa dami ng pasyente dito sa ER. ”
“OK sir” ang sagot ko.
Saan ko kaya hahanapin ang nawawalang kalahati ng pasyente namin?
Itutuloy sa Huling Bahagi
No comments:
Post a Comment